7 bata patay sa pagsabog ng lumang mortar shell sa Afghanistan

by Powered by DWIZ
0 comment
7 bata patay sa pagsabog ng lumang mortar shell sa Afghanistan

Pitong (7) mga bata ang nasawi habang nasa sampung (10) iba pa ang sugatan sa pagsabog ng isang lumang mortar shell sa Eastern Afghanistan.

Ayon sa tagapagsalita ng gobernador ng probinsya ng Laghman, may edad 15-taong gulang pababa ang lahat ng mga batang biktima.

Anito, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon kung paanong nakuha at natagpuan ng mga bata ang nasabing mortar gayundin kung papaano ito sumabog.

Ito na ng pinakahuling insidente na may kaugnayan sa mga nakakalat na landmines, homemade bombs at mga lumang basyo ng bomba sa Afghanistan.

—-

 

 

 

 

Related Posts