6,000 caregivers kailangan sa Japan

by Powered by DWIZ
0 comment
6,000 caregivers kailangan sa Japan

Nangangailangan ngayon ang Japan ng nasa 6,000 caregivers.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration o POEA, marami na ang matatanda sa Japan ngunit kulang naman ang caregivers sa ilang health facilities.

Magsisimula ang hiring ng caregivers sa Abril 1 at idadaan ito sa private recruitment agencies.

Kasabay nito, nagbabala naman ang poea na mag-ingat sa illegal recruiters at huwag maniwala sa mga recruitment agency na nagsasabing tumatanggap sila ng aplikante para sa bagong visa.

Related Posts