6 patay sa pagsabog ng IED sa Samar

6 patay sa pagsabog ng IED sa Samar

by Powered by DWIZ
0 comment 60 views

Patay ang anim (6) na sundalo habang tatlong (3) iba pa ang sugatan matapos masabugan ng Improvised Explosive Device (IED) na itinanim ng mga hinihinalang miyembro ng NPA sa bayan ng Calbiga sa Samar.

Ayon kay Major General Raul Farnacio ng 8th Infantry Division ng Philippine Army, 4:30 ng madaling araw kahapon nang rumesponde ang mga sundalo sa sumbong ng mga residente hinggil sa presensya ng mga armadong grupo sa lugar.

Kasunod nito sumiklab ang bakbakan na tumagal ng halos apat (4) na oras hanggang sa magkalasan na ang mga rebelde.

Gayunman, nang paalis na ang tropa ng mga sundalo, biglang sumabog ang isang IED na hinihinalang itinamin ng NPA.

Patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit operations ng tropa ng pamahalaan.

0 comment

Related Posts