29.8 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

6 nasaktan sa salpukan sa LRT 2

- Advertisement -

Aabot sa anim na pasahero ang nasaktan matapos na banggain ng Light Rail Transit (LRT) 2 ang isa pang train na nakahinto malapit sa Anonas Station sa Quezon City.

Base sa ulat, naganap ang vehicular accident sa pagitan ng mga istasyon ng Anonas at Araneta Center Cubao Station.

Ayon sa ilang komyuter, umuusad ang kanilang sinasakyang bagon nang bigla na lamang silang makarinig ng pagsabog at nagtasikan sila sa loob ng train.

Patuloy namang inaalam ng pamunuan ng LRT 2 kung ano ang dahilan ng nangyaring salpukan ng dalawa nilang train.

—–
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -