6 katao patay sa pagsabog ng isang chemical plant sa China

by Powered by DWIZ
0 comment
6 katao patay sa pagsabog ng isang chemical plant sa China

Patay ang anim (6) katao sa pagsabog ng isang chemical plant sa Yancheng, China.

Tatlumpu (30) katao naman ang sugatan sa naturang pagsabog sa plantang pag-aari ng Tianjiayi Chemical.

Sinasabing nagsimula ang pagsabog sa factory kung saan ginagawa ang mga fertilizer.

Isang pagyanig ang naramdaman bago ang pagsabog sa naturang planta na itinayo noong 2007 at anim na beses na pinagmulta ng gobyerno dahil sa air pollution at paglabag sa waste management.

—-

 

 

 

 

Related Posts