5TH MINDANAO POLICY AND RESEARCH FORUM, ISINAGAWA SA GENSAN

5TH MINDANAO POLICY AND RESEARCH FORUM, ISINAGAWA SA GENSAN

by RPN News
0 comment 40 views

Isinagawa sa Graduate School Building ng Mindanao State University GenSan Graduate School Campus ang 5th Mindanao Policy and Research Forum, Martes, Setyembre 10, 2019, na may temang “Navigating the Challenges of New Globalization.”

Layon ng taunang pagtitipon na makabuo ng mga polisiya at mga research-based development initiatives para sa Mindanao na tutugon sa patuloy na nagbabago at lumalaking demand ng mundo.

Nakasentro ang 5th MPRF sa mga usaping patungkol sa: economic restructuring, global inequality, provision of global public goods, at building social cohesion and thrust; upang makatulong sa Mindanao upang makasabay sa pag-usad ng buong mundo.

Dumalo sa forum sina Secretary Manny Piñol ng Mindanao Development Authority (MinDA), President Dr. Celia M. Reyes at Senior Research Fellow Dr. Roehlano Briones  ng Philippine Institute of Developmental Studies (PIDS) na nagsalita patungkol sa mga datus mula sa mga pag-aaral na isinagawa sa pag-unlad ng Mindanao; habang naging discussant naman sina Martiniano Magdulot, ang Pangulo at CEO ng Mahintana Foundation at Dr. Anderson Villa na faculty ng Political Science Department ng Mindanao State University, General Santos City.

0 comment

Related Posts