5th Metro Manila Shake Drill nakatakdang isagawa sa Hulyo 27

5th Metro Manila Shake Drill nakatakdang isagawa sa Hulyo 27

by Powered by DWIZ
0 comment 96 views

Nakatakdang isagawa ang ika-limang Metro Manila Shake Drill sa Hulyo 27, araw ng Sabado.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, inaasahang makikiisa sa pagsasanay ang mga kawani mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, volunteer groups at maging ng mga nasa pribadong sektor.

Layon aniya ng earthquake drill na ihanda ang publiko at maipakita rin ang contingency plans ng gobyerno sa oras na tumama sa kalakhang Maynila ang tinatawag na “the big one”.

Dagdag pa ni Garcia, kung ang mga nakalipas na pagsasanay ay ginawa sa araw ng may pasok sa trabaho at eskwelahan, ngayon ay sinadyang gawin ng weekend at sa oras kung kailan karamihan ay tulog pa.

Magsisilbi umanong hudyat ng simula ng big one scenario ang pagtunog ng alarm ganap na 4 ng madaling araw.

Iikot si MMDA Chairman Danny Lim sa mga city halls, establisyimento, komunidad at kabahayan para alamin ang naging kahandaan sa pagsasanay.

0 comment

Related Posts