30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

50 sako ng NFA rice nasira matapos mabasa ng ulan

- Advertisement -

Limampung sako ng bigas na hindi pa naibaba sa barko sa Zambales ang nasira matapos mabasa ng ulan.

Ito ang kinumpirma ng National Food Authority o NFA sa Central Luzon.

Ayon kay NFA – Central Luzon Regional Director Piolito Santos, hindi maiiwasan na magkaroon ng ganitong pangyayari lalo’t panahon ngayon ng tag-ulan.

Ngunit nilinaw ni santos na ang mga nasirang bigas ay papalitan ng mga supplier ngunit posibleng itong matagalan.

Sa ngayon, umaabot na sa limampung libong (50,000) bigas na ang naibaba mula sa naturang barko habang 250,000 pa ang inantabayanang maibaba at maipamahagi sa merkado.

—-

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -