50 percent na pangangailangan ng 5 ospital pupunan ng Manila Water

by Powered by DWIZ
0 comment
50 percent na pangangailangan ng 5 ospital pupunan ng Manila Water

Pupunan ng Manila Water ang limampung porsyentong pangangailangan sa tubig ng limang ospital sa bansa, sa gitna ng kakulangan ng suplay sa tubig.

Ayon kay Department of Health Sec. Francisco Duque III, nangako ang manila water na suplayan ng tubig ang  Rizal Medical Center, National Center for Mental Health, National Kidney Transplant Institute, Phil. Children’s Medical Center at Quirino Memorial Center.

Ito ay matapos magbabala ng DOH sa posibleng pagkalat ng impeksiyon sa mga pagamutan, matapos itong lubhang maapektuhan ng umiiral na krisis sa tubig.

Matatandaang naghain ng petisyon ang DOH para obligahin ang Manila Water na rasyunan ng tubig ang mga apektadong ospital hanggang sa bumalik na sa normal ang suplay.


Operasyon sa Rizal Medical Center balik normal na

Balik normal na ang operasyon ng Rizal Medical Center sa Pasig City, sa kabila ng nararansang matinding kakulangan ng suplay ng tubig sa bansa.

Ito, ayon kay Dept. of Health Sec. Francisco Duque III, matapos limitahan ng ospital ang tinatanggap nitong pasyente sa 30 mula sa 200, kada araw dahil sa matinding kakulangan sa suplay ng tubig.

Ayon kay Duque, tinanggal na ng DOH ang limitasyon na ito, matapos bigyang prayoridad ng manila water ang pagrarasyon ng tubig sa mga ospital.

Kaugnay nito, tiniyak rin ng kalihim na hindi makokom-promiso ang kalidad ng serbisyo, at kalinisan ng ospital kahit na may kakapusan ng suplay sa tubig.

Matatandaang, tiniyak ng Manila Water na uunahin ng kanilang mga tanker na bigyan ng tubig ang mga ospital.

Sa ngayon mayroong 27 tanker ang Manila Water na nag-iikot upang matugunan ang krisis sa tubig sa mga apektadong lugar.


Ejercito umapela sa BFP hinggil sa prayoridad ng pagrarasyon ng tubig sa mga ospital

Umapela si Senate committee on health chairman Sen. JV Ejercito sa Bureau of Fire Protection na bigyang prayoridad ang mga ospital sa pagrarasyon ng tubig.

Ayon kay Ejercito, napaka halagang matiyak na mayroong sapat na suplay ng tubig ang mga ospital para sa kapakanan ng mga pasyente.

Kaugnay nito sinabi rin ni Ejercito na dapat makipag ugnayan ang BFP sa mga lokal na pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga residenteng apektado ng mahinang suplay ng tubig.

with report from Cely Ortega-Bueno

Related Posts