30.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

5 sundalo patay sa engkuwentro sa Patikul Sulu

- Advertisement -

Patay ang limang sundalo habang dalawampu’t tatlong (23) iba pa ang sugatan matapos maka-engkwentro ang mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Patikul Sulu.

Ayon kay Western Mindanao Command Spokesman Lt. Gerry Besana, nagsasagawa ng search operations ang militar para sa nalalabi pang bihag na hawak ng Abu Sayyaf nang bigla silang atakehin sa Barangay Liang.

Kasabay nito, tiniyak ni Besana na kanilang gagawin ang lahat para mabawi ang nalalabi pang anim na bihag ng Abu Sayyaf.

Kabilang sa mga ito ang isang Dutch national, Vietnamese at apat na Filipino.


Miyembro ng IS na kasama sa mga umatake sa militar noong Biyernes, arestado

Arestado ang isang hinihinalang miyembro ng Islamic State na sinasabing kabilang sa grupong umatake sa militar noong Biyernes sa Patikul Sulu.

Kinilala ang susperk na si Suhaili Kadir na naaresto sa Barangay Lumbac, Bayan ng Binidayan sa Lanao del Sur.

Batay sa ulat, nakatanggap ng tawag ang Binidayan Police mula sa isang concerned citizen hinggil sa kinaroroonan ng suspek.

Kasunod nito, agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya kung saan naaresto ang suspek.

Sinasabing ang kabilang ang suspek na si Kadir sa grupong umatake sa militar noong Biyernes na nagresulta sa pagkasawi ng limang sundalo at pagkasugat ng mahigit dalawampung (20) iba pa.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -