5 ospital sa Metro Manila lubhang apektado ng krisis sa tubig

by Powered by DWIZ
0 comment
5 ospital sa Metro Manila lubhang apektado ng krisis sa tubig

Tinukoy ng Department of Health (DOH) ang limang opsital sa Metro Manila na lubhang apektado ng krisis sa tubig.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, napakahina hanggang sa walang supply ng tubig ang nararanasan sa Rizal Medical Center sa Pasig, National Center for Mental Health sa Mandaluyong, National Kidney and Transplant Institute, Philippine Children’s Medical Center at Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City.

Binigyang diin ni Duque na mahalaga ang tubig upang mapanatiling malinis at maiwasan ang pag kalat ng impeksiyon sa mga pagamutan.

Kaugnay nito, maghahain ng petition for mandamus ang DOH para obligahin ang Manila Water na rasyunan ng sapat na tubig ang DOH hospitals hanggang sa bumalik na sa normal ang supply.

—-

 

 

 

 

Related Posts