5 katao patay sa bumigay na footbridge sa India

by Powered by DWIZ
0 comment
5 katao patay sa bumigay na footbridge sa India

Patay ang lima katao habang nasa tatlumpu (30) ang sugatan nang bumigay ang isang footbridge malapit sa isang istasyon ng tren sa Mumbai, India.

Agad namang rumesponde ang mga rescue workers at hinanap ang mga nadaganang biktima.

Ikinalungkot naman ng chief minister ng Maharashtra ang naturang trahedya at ipinag-utos ang malalimang imbestigasyon sa insidente.

Tiniyak naman ng pamahalaan na kanilang sasagutin ang lahat ng gastos sa pagpapalibing sa mga nasawi at pagpapagamot ng mga nasugatan.

Related Posts