5 dayuhan patay sa pagbagsak ng eroplano sa Honduras

by Powered by DWIZ
0 comment
5 dayuhan patay sa pagbagsak ng eroplano sa Honduras

Patay ang limang (5) dayuhang turista kabilang ang piloto matapos bumagsak ang sinasakyan nilang eroplano sa Honduras.

Batay sa ulat, ilang minuto pa lamang nang magtake-off ang private plane sa Roatan Island nang bumagsak ito bago pa marating ang destinasyon nito sa Honduras.

Sinasabing kabilang sa mga sakay na turista ang apat (4) na amerikano habang hindi pa matukoy ang nationality ng isa pang biktima.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa dahilan ng pagbagsak ng nasabing eroplano.

Related Posts