Pagtangay sa datos ng ilang passport holder iimbestigahan na
January 13, 2019
Mga basurang itinapon sa Mindanao ibabalik na sa South Korea
January 13, 2019
Show all

4th tranche ng salary hike para sa gov’t employees dapat ipatupad—Drilon

Dapat nang ipatupad simula ngayong Enero ang ika-apat na bahagi ng salary increase ng mga empleyado ng gobyerno sa kabilang kabiguan ng Kongreso na ipasa ang 2019 proposed national budget.

Binigyang-diin ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon na malinaw ang nakasaad salary standardization law at mayroon namang savings.

May batas authorizing the Salary Standardization Increase, iyan po ay pinirmahan ni PNoy bago siya umalis. 2nd meron pong savings, sa 2018 malaki ang savings. Ako ay sigurado na di pa nauubos ito. So meron pong authority para ma-implement ang SSI. Ito ay maliwanag. Walang basehan na sinasabing unconstitutional ito. Pahayag ni Drilon

Ayon kay Drilon, dapat nang umaksyon si Pangulong Rodrigo Duterte maging si Executive Secretary Salvador Medialdea at maglatag ng solusyon sa pagka-antala ng dagdag sahod ng mga government employee.

Dapat po pakialaman ng Pangulo ito, hindi lang po si Sec. Diokno ang dapat mangasiwa kundi si Sec. Medialdea, nananawagan kami kay Sec. Medialdea to review this act of Sec. Diokno. Hindi puwedeng excuse ‘yung pending pa ang budget. Paliwanag ni Drilon

(Usapang Senado Interview)

 

Comments are closed.