4 suspek sa pagpatay kay Vice Mayor Yuson ipinag utos sa MPD na palayain

4 suspek sa pagpatay kay Vice Mayor Yuson ipinag utos sa MPD na palayain

by Powered by DWIZ
0 comment 21 views

Ipinag-utos ni Manila Deputy Prosecutor Joselito Obejas sa Manila Police District o MPD na palayain ang apat na suspek sa pagpatay kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III.

Sa kanyang resolusyon, inatasan ni Obejas ang mga awtoridad na imbestigahan munang mabuti ang kasong murder at dalawang bilang ng frustrated murder laban sa mga respondents.

Matatandaang nag-aalmusal si Yuson sa Sampaloc kasama ang dalawang iba pa nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin na ikinasawi ng bise-alkalde.

0 comment

Related Posts