33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

4 patay habang 15 kritikal sa aksidente ng tourist bus sa Utah

- Advertisement -

Patay ang 4 katao habang kritikal naman ang kalagayan ng 15 iba pa matapos maaksidente ang isang tourist bus sa kanlurang bahagi ng Utah sa Estados Unidos.

Ayon sa Utah highway patrol, kabilang sa mga sugatan ang driver ng bus na may sakay na 30 turistang Chinese.

Nabatid na naganap ang trahedya mga 11 kilometro mula sa park entrance na naging dahilan upang isara ang main highway upang bigyang daan ang mga abulansiya at rescue teams.

Ipinarating na rin umano ni Utah Governor Gary Hart ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi sa aksidente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -