36 police car, 72 motorsiklo magsisilbing convoy ng mga VIP na dadalo sa SONA ni Pangulong Duterte

36 police car, 72 motorsiklo magsisilbing convoy ng mga VIP na dadalo sa SONA ni Pangulong Duterte

by Powered by DWIZ
124 views

36 na police car at 72 motorsiklo ang magsisilbing convoy ng mga VIP na dadalo sa ika apat na SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes.

Ayon kay Brigadier General Roberto Fajardo, hepe ng PNP-HPG o Philippine National Police- Highway Patrol Group, 171 tauhan nila ang makikipag sanib puwersa sa iba pang otoridad para matiyak ang seguridad sa SONA at pagbubukas ng 18th Congress.

Tiniyak ni Fajardo ang kahandaan nila sa SONA matapos sumalang sa pagsasanay at shooting simulation ang kanilang mga tauhan.

0 comment

Related Posts