3 sundalo patay sa bakbakan ng militar at Abu Sayyaf sa Sulu

3 sundalo patay sa bakbakan ng militar at Abu Sayyaf sa Sulu

by Powered by DWIZ
0 comment 31 views

Patay ang tatlong miyembro ng Philippine Marines habang sugatan ang tatlong iba pa sa nagpapatuloy na engkuwentro nila sa pagitan ng mga bandidong Abu Sayyaf sa lalawigan ng Sulu.

Ayon kay Western Mindanao Command Spokesperson Col. Gerry Besana, sumiklab ang bakbakan dakong alas-5:20 kaninang umaga sa barangay Timpook, bayan ng Patikul sa naturang lalawigan.

Nagsasagawa aniya ng combat patrol ang mga operatiba ng Joint Task Force Sulu nang makasagupa nila ang grupo ng mga bandido sa pamumuno ng ASG Sub Leader Alnijar Ekit at Aldi Alun.

Maliban sa mga nasawi at sugatang sundalo, ilang labi pa ng mga bandido ang kanilang nakuha sa encounter site na posible aniyang naubusan na ng dugo at iniwan na ng mga kasamahan nito.

Narekober din sa lugar ang ilang armas ng mga bandido tulad ng M-14 at pitong magazine nito na may lamang mga bala.

Agad dinala ang mga nasawi at sugatang sundalo sa Kampo Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital upang doon bigyan ng karampatang atensyong medikal at disposisyon.

—-

 

 

 

0 comment

Related Posts