3 scientist nagwagi ng 2019 Nobel Prize in Chemistry

3 scientist nagwagi ng 2019 Nobel Prize in Chemistry

by Powered by DWIZ
0 comment 22 views

Tatlong scientist ang itinanghal na nanalo ng prestihiyosong 2019 nobel prize in chemistry.

Gagawaran ng naturang parangal sina john b goodenough, m. Stanley whittingham at akira yoshino na nakilala dahil sa malaking ambag ng mga ito sa larangan ng battery technology.

Ayon sa nobel prize committee, ibibigay at paghahatian ng tatlo ang premyo dahil sa kanilang ginawang “development of lithium ion batteries”.

Si whittingman ang nag develop ng unang ginamit na lithium battery noong dekada ’70 samantalang si goodenough naman ang nagpalawig ng kakayahan ng battery.

Samantalang si yoshino naman ang nag ayos at ginawa itong pure lithium na mas ligtas gamitin.

Ang lithium batteries ay ang mga battery na ginagamit sa cellphone, laptop at mga electric vehicles at appliances.

0 comment

Related Posts