3 private emission testing center sinuspinde – DOTr

3 private emission testing center sinuspinde – DOTr

by Powered by DWIZ
0 comment 88 views

Tatlong private emission testing centers ang sinuspinde ng 90 araw ng Department of Transportation (DOTr).

Ito ay matapos matuklasan ng investigation security and law enforcement staff ng DOTr na namemeke ng resulta ng emission test ang mga ito.

Kabilang sa mga sinuspinde ang private emission testing center sa Tacurong City, Sultan Kudarat , Saranggani private emission testing center sa Alabel, Saranggani at Porac private emission testing center sa Porac, Pampanga.

0 comment

Related Posts