3 persons of interest sa pagpatay kay Trece Martires Vice Mayor Lubigan iniimbestigahan na ng PNP

0
61

Tatlong persons of interest ang tinitignan ng PNP o Philippine National Police sa kaso ng pagpatay kay Trece Martires Vice Mayor Alexander Lubigan.

Ayon kay Cavite Provincial Police Director Senior Supt. William Segun, batay sa kanilang mga nakalap na CCTV footages malapit sa pinangyarihan ng krimen, sakay ng isang itim na pick up truck ang mga salarin sa pagpaslang sa bise alkalde at aide nito.

Makikita rin aniya sa video  ang pagsulpot ng nasabing pick up truck malapit sa scene ilang minuto bago at matapos ang insidente.

Samantala, inihayag na rin ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na meron na silang lead sa kaso ng pagpapatay kay Lubigan.

Gayuman tumanggi muna si Albayalde na magbigay pa ng mga karagdagang detalye para hindi aniya masunog ang kanilang imbestigasyon.

Nangako naman si Albayalde na agad ding ipaaalam ito sa publiko anumang araw mula ngayon hanggang sa susunod na linggo.

(With report from Jaymark Dagala)