3 patay matapos tambangan sa Maguindanao

by Powered by DWIZ
0 comment
3 patay matapos tambangan sa Maguindanao

Patay sa pananambang ang isang barangay chairman at dalawang iba pa sa bayan ng Mamasapano sa Maguindanao.

Kinilala ang mga nasawi biilang sina Datu Nurodin Guiaman, 34 anyos, kapitan ng Brgy. Tuka; misis nitong si Alwaida, 28 anyos at Barangay Peacekeeping Action Team Member Basser Guiaman, 42 anyos.

Ayon kay Police Col. Portia Manalad, direktor ng Cotabato City Police, anim na armadong lalaki na sakay ng tatlong motorsiklo ang nagpaulan ng bala sa kotse ng mga biktima.

Kaugnay nito, nakuha naman ng mga tauhan ng SOCO o Scene of the Crime Operatives ang dalawang caliber 45 na baril mula sa loob ng kotse na pinaniniwalaang ginamit ng mga biktima para makaganti ng putok.

Related Posts