3 patay 150 nawawala sa paglubog ng bangka sa Congo

by Powered by DWIZ
0 comment
3 patay 150 nawawala sa paglubog ng bangka sa Congo

Tatlo (3) ang nasawi habang aabot sa isang daan at limampu (150) katao ang napaulat na nawawala kasunod ng paglubog ng bangka sa isang lawa sa Congo.

Ayon sa isang lokal na awtoridad, patungo sanang North Kivu Province mula South Kivu ang nasabing bangka nang lumubog ito sa bahagi ng lawa malapit sa teritoryo ng Kalehe.

Sinabi ng Congo authorities tatlumpu’t tatlong (33) pasahero naman ang nailigtas sa insidente.

Tiniyak naman ni Democratic Republic of Congo President Felix Tshisekedi na kanyang mahigpit na tinututukan ang sitwasyon.

—-

 

 

 

 

Related Posts