3 pang arrest warrant laban kay Kenneth Dong isinilbi ng NBI

by Powered by DWIZ
0 comment
3 pang arrest warrant laban kay Kenneth Dong isinilbi ng NBI

Tatlo pang warrant of arrest laban sa Chinese businessman na si Dong Yi Shen alyas Kenneth Dong ang isinilbi ng NBI o National Bureau of Investigation kaugnay ng nakapuslit na P6.4 billion ng shabu noong 2017.

Ipinalabas ni Judge Alma Cristina Collado Lacorte ng Manila Regional Trial Court Branch 21 ang dalawa sa tatlong warrant of arrest laban kay Dong kung saan wala itong inirekomendang piyansa.

Habang mula naman kay Judge Teresa Soriaso ng Manila RTC Branch 27 ang isa pang warrant.

Kapwa kasong paglabas sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act ang inihain laban kay Dong.

Bukod kay Dong, arestado na rin ang iba pang akusado sa pagkakapuslit ng shabu sa bansa kabilang sina BOC o Bureau of Customs Broker Mark Taguba at Eirene Mae Tatad.

Related Posts