3 miyembro ng Cafgu patay sa pananambang sa Agusan del Norte

0
101

Patay ang 3 miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit o CAFGU matapos tambangan sa bayan ng Nasapit, Agusan del Norte.

Kinilala ang mga biktima na sina Corporal Sahari Jamhare, Totong Sulaygay at Erwin Madahinog.

Ayon sa awtoridad isang suspek ang hindi pa nakikilala ang nagpa-ulan ng bala sa mga biktima.

Nagawa pa umanong isugod sa ospital si Sahari at Mandahinog ngunit binawian din ang mga ito ng buhay habang dead on arrival naman si Mandahinog.

Duda ng mga awtoridad na miyembro ng New People’s Army o NPA ang nasa likod ng pananambang.

—-