31.3 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

3 katao patay sa pamamaril sa Netherlands

- Advertisement -

Patay ang tatlo katao sa pamamaril sa Utretch, Netherlands.

Ang nasabing insidente ay itinuturing na terrorist attack ng Dutch authorities kaya’t itinaas na ang terror alert sa nasabing bansa.

Ayon kay National Coordinator for Security and Counter Terrorism Chief PJ aaLbersberg, pinakilos na nila ang kanilang crisis team para tutukan ang insidente at pinaiikot na ang tatlong helicopters sa pinangyarihan ng krimen para i-monitor ang sitwasyon.

Pinatitiyak ng mga awtoridad ang seguridad sa mga paaralan, airports at iba pang establishments.

Naalarma ang Dutch authorities sa insidente na ilang araw matapos ang pamamaril sa dalawang moske sa Christchurch, New Zealand kung saan nasawi ang limampu (50) katao.

Naaresto na ang suspek na nakilalang si Gokmen Tanis, 37-taong gulang at isang Turkish national.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang motibo sa nasabing pamamaril.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -