28.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

3-day special satellite registration para sa BOL plebiscite simula na — Jimenez

- Advertisement -

Magsisimula na ngayong araw ang 3-day special satellite registration para sa mga lugar na magkakaroon ng plebesito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Spokesman James Jimenez, magkakaroon ng special satellite registration sa 16 na mga lugar sa mga probinsya ng Lanao Del Sur, Maguindanao, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Lanao Del Norte at North Cotabato.

Gayundin sa Cotabato City, Maguindanao at Isabela City, Basilan.

Samantala, hindi naman kinakailangan pang magparehistro ng mga botante na nakapagparehistro na nuong nakalipas na barangay at sangguniang kabataan (SK) elections nitong Mayo.

Alinsunod sa naturang batas, nakatakdang ganapin ang plebesito sa Bangsamoro Region sa Enero 21, 2019.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -