3 Chinese nationals arestado

3 Chinese nationals arestado

by Powered by DWIZ
0 comment 70 views

Arestado ang tatlong (3) Chinese nationals na dumudukot ng mga kapwa Intsik.

Sa pamamagitan ng intel report, natunton ng National Bureau of Investigation (NBI) ang hotel kung saan ikinukulong ng suspects ang kanilang mga biktima.

Nasagip ng NBI ang tatlong Chinese nationals na napag-alamang sampung (10) araw nang ikinukulong sa hotel room.

Ayon sa NBI, ang modus ng grupo ay targetin ang mga Chinese nationals na bumibisita sa bansa para mag casino at saka hihingan ng ransom ang kanilang kaanak sa Beijing.

Maliban sa kidnapping, sangkot rin ang mga suspects sa pamemeke ng credit cards.

Agad nagsampa ang NBI ng mga kasong kidnapping, paglabag sa access device law at serious illegal detention laban sa suspects na nakilalang sina Junrong Jia, Xuejan Li at Quijin Tian.

0 comment

Related Posts