34.7 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

3 ang patay kabilang ang 2 Estudyante sa aksidente sa Zamboanga del Norte

- Advertisement -

Patay ang tatlo katao kabilang ang dalawang estudyante makaraang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang jeep sa bayan ng Katipunan sa Zamboanga del Norte.

Kinilala ang mga nasawi na sina je-Ann Adaro Quitoan at Aira Adaro Quitoan na kapwa estudyante ng Seroan National High School.

Habang namatay rin ang 50 taong gulang na si Wilihado Ugbad Lumanda na residente ng barangay New Rizal sa Sergio Osmeña.

Ayon sa driver ng jeep na si Rex Abuhan , hindi niya napansin na walang preno ang kanyang sasakyan hanggang sa mahulog na ito sa bangin.

Ayon kay PO3 Jerich Ramos ng Katipunan Police, maliban sa tatlong nasawi, lima pa ang sugatan sa nasabing aksidente.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon  ng pulisya hinggil sa nasabing insidente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -