27 flights mula, patungong Japan kinansela na

27 flights mula, patungong Japan kinansela na

by Powered by DWIZ
0 comment 27 views

Umaabot na sa 27 mga flights mula at patungong Japan ngayong araw ang kinansela na.

Kaugnay pa rin ito ng inaasahang masamang panahon bunsod ng pagtama ng super typhoon Hagibis sa Japan.

Kabilang sa mga nadagdag na nakanselang flights ang biyahe ng eroplano ng Japan airlines mula Narita patungong Manila at Jetstar Japan mula Manila patungong Narita.

Una nang inanunsyo ng Philippine Airlines ang kansenlasyon ng lahat ng flights nila patungo at mula Japan ngayong araw.

Gayundin ang apat na biyahe ng eroplano ng Cebu Pacific Air, lima sa all Nippon Airways at isang Delta Airline.

Samantala, nananatili pa ring kanselado ang dalawang flight ng PAL mula Haneda at Narita patungong Manila.

0 comment

Related Posts