2020 budget sa Office of the President mabilis na pumasa

2020 budget sa Office of the President mabilis na pumasa

by Powered by DWIZ
0 comment 15 views

Mabilis na pumasa sa Senate Finance Subcommittee ang panukalang 2020 budget ng Office of the President.

Wala pang 10 minuto nang maaparubahan ito sa pangunguna ni Senador Christopher Bong Go na siyang nag preside sa naturang hearing.

Bago ang pagdinig, sinabi ni Go sa kanyang opening speech na bagamat pamilyar na mukha ang kanyang nakikita ay sisiguruhin pa rin niyang dadaan sa masusing pagdinig at check and balance ang naturang panukalang budget.

Kasama rin sa naging hearing si Senador Francis Tolentino at Senator Ronald Dela Rosa habang si Executive Secretary Salvador Medialdea naman ang naglatag ng 8.2-B budget ng tanggapan ng Pangulo.

0 comment

Related Posts