2019 national budget nilagdaan na ni Pangulong Duterte

by Powered by DWIZ
0 comment
2019 national budget nilagdaan na ni Pangulong Duterte

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 National Budget o Republic Act 11260.

Ayon kay Senate President Tito Sotto, hindi na magkakaroon ng ceremonial signing matapos pirmihan kahapon ni Pangulong Duterte ang pambansang pondo.

Gayunman, may mga ivineto anya ang pangulo na karamiha’y illegal realignments na ginawa ng kamara na aabot sa 95.3 billion pesos.

Ito, anya, ay dahil hindi bahagi ang nasabing realignments sa mga priority project ng punong ehekutibo.

(with report from Cely Ortega- Bueno)

Related Posts