2019 budget posibleng malagdaan matapos ang kuwaresma

by Powered by DWIZ
0 comment
2019 budget posibleng malagdaan matapos ang kuwaresma

Posibleng malagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 national budget pagkatapos ng Semana Santa.

Ito ang pagtitiyak ni Senate President Vicente Sotto III kaugnay ng naging pahayag ni Executive Sec. Salvador Medialdea na pinag-aaralan pa rin ng pangulo ang rekumendasyon ng DBM o Department of Budget and Management hinggil sa pambansang budget.

Ayon kay Sotto, noong Sabado pa kinumpirma ni Medialdea na binubusisi na ng pangulo ang mga naging rekumendasyon ng DBM kaugnay ng naturang budget.

Kasabay nito, inamin naman ni Sotto na malaki ang posibilidad na mag line veto ang pangulo dahil na rin sa naging rekumendasyon ng Senado sa mga umano’y illegal realignments ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pambansang budget.

Related Posts