2018 Miss Universe Catriona Gray bukas ba para sa role na Darna?

by Powered by DWIZ
0 comment
2018 Miss Universe Catriona Gray bukas ba para sa role na Darna?

Matapos tanghaling Miss Universe 2018 ay naging busy na ang beauty queen na si Catriona Gray sa kanyang karera.

Malaking katanungan rin ngayon para sa beauty queen kung bukas nga ba siya na pasukin ang mundo ng acting.

Game na game namang sumagot si Gray nang tanungin siya sa isa sa kanyang endorsement launching hinggil dito.

Tugon nito, bukas sya sa lahat ng oportunidad na darating sa kanyang buhay.

Ang pag-arte aniya ay isang bagay na hindi niya pa nasusubukan ngunit handa siya na matutunan ito.

Naitanong din kay gray kung bukas ba sya para mag-audition at gumanap bilang Pinay superhero na “Darna” makaraang magback-out sa role si Liza Soberano dahil sa nakuhang injury sa daliri.

Tugon ng Beauty Queen hinggil dito, “I would very much be open to it.”

—-

Related Posts