30 C
Manila
Friday, March 29, 2024

20 terorista patay sa pag-atake ng militar sa kuta ng BIFF sa Maguindanao

- Advertisement -

Hindi bababa sa dalawampung (20) terorista kabilang ang isang Singaporean bomber ang patay sa ginawang pag-atake ng militar sa kampo ng mga Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao.

Ayon kay 6th Infantry Division Commander Major General Cirilito Sobejana, kasama rin sa napatay ang dalawang BIFF sub-leader na sila Salahudin Hassan at isang Commander Bastardo habang kinilala naman ang napatay na dayuhang terorista na si Muhamad Ali Abdul Rahiman alyas Mauwiyah.

Nangyari ang bakbakan sa kampo ng mga terorista sa Shariff Saydona Mustapha kahapon.

Patuloy naman na kinukumpirma ng militar kung kasama sa mga napatay si BIFF Leader Abu Toraype.

Sa panig ng gobyerno, kinumpirma ni Sobejana na isang sundalo ang nasawi sa kanilang hanay habang pitong (7) iba pa ang sugatan.

Aniya, kontrolado na ng militar ang ilang bahagi ng kampo at inaasahang patuloy na papalag ang mga terorista habang kumikilos ang gobyerno para makontrol pa ang buong lugar.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -