20 flights sa NAIA na-delay dahil sa red lightning alert

20 flights sa NAIA na-delay dahil sa red lightning alert

by Powered by DWIZ
0 comment 69 views

Umabot sa kabuuang 20 flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nadelay makaraang itaas ang red lightning alert, kahapon.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), inilabas ang red lightning alert bandang 4:49, hapon ng Biyernes.

Sa pag-iral nito, suspendido ang ramp movement sa mga eroplano at ground personnel para makaiwas sa anumang untoward incident bunsod ng kidlat.

Samantala, humingi naman ng paumanhin ang MIAA sa naranasang aberya ng mga naapektuhang pasahero.

0 comment

Related Posts