PDP Laban muling pupulungin sa susunod na buwan
August 10, 2018
Milyong pisong halaga ng asukal nadiskubre sa Port of Manila
August 10, 2018
Show all

2 sundalo patay matapos maka engkwentro ang mga miyembro ng NPA sa Isabela

Patay ang dalawang sundalo habang tatlong iba pang kasamahan ng mga ito ang sugatan matapos maka-engkwentro ang NPA o New Peoples Army sa Dicamay 2, Jones, Isabela kaninang 4:47 ng madaling araw.

Ayon kay Philippine Army 5th Infantry Division Public Affairs Office Chief Captain Jeffrey Somera, nagsasagawa ng combat operation ang tropa ng 502nd Infantry Brigade sa Sitio  Diarao baba nang kanilang makasalubong at makasagupa ang nasa 15 miyembro ng NPA.

Hindi pa pinapangalanan ng militar ang dalawang nasawing sundalo dahil hindi pa ito naipapaalam sa kani-kanilang pamilya.

Samantala, patuloy namang ginagamot sa Esther Garcia Cauayan Public Hospital ang tatlong nasugatang sundalo.

Comments are closed.