Panibagong oil price rollback nakaamba sa susunod na linggo
November 8, 2018
Comval iPortal app places 2nd in Digital Cities PH Awards
November 8, 2018
Show all

2 pulis na sangkot sa ‘palit-puri’ scheme arestado

Arestado ang dalawang bagitong pulis matapos umanong halayin ang isang babaeng inaresto nila dahil sa illegal gambling.

Kahapon, iniharap kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar ang mga suspek na pulis na kinilalang sina PO1 Jayson Portuguez at Severiano Montalban III na kapwa nakatalaga sa tactical motorcycle riders ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4 sa Novaliches.

Batay sa salaysay ng biktimang pinangalanan lamang na Maria, Nobyembre 23 nang magtungo siya sa Plaza Nova para dalawin ang isang kaibigan pero dumating ang mga operatiba ng QCPD Station 4 at inaresto ito kabilang ang lima pang kababaihan dahil sa illegal gambling.

Dahil dito, pinakiusapan ng biktimang si Maria si PO1 Montalban na pakawalan siya dahil nakakulong na rin anito ang kanyang kinakasama sa kaparehong kaso pero inalok umano ito ng suspek na makipagtalik sa kanya kapalit ng kalayaan.

Pumayag dito ang biktima at nangyari ang pagtatalik sa loob ng police mobile pick-up vehicle sa madilim na bahagi ng Quezon City General Hospital.

Matapos naman nito, ipinasa umano ni Montalban ang biktima sa kasamahang pulis na si Portuguez kung saan hindi naman ito nakipagtalik pero inutusang magsagawa ng mga sexual acts.

Kaugnay nito, sinibak din sa puwesto ang hepe ng QCPD-TMR Station 4 na si Inspector Ronaldo Sergio at tatlo pa nitong tauhan na kasamang nagsagawa ng operasyon at umaresto sa biktimang babae.

—-

 

 

 

Comments are closed.