Radio Philippines Network
Headlines National News

2 public market operators pinagbabayad ng 25-M pesos matapos mabigong magremit ng kanilang share sa local govt

Pinagbabayad ni Manila Mayor Isko Moreno ng mahigit 25 million pesos ang dalawang public market operators na bigong mag remit ng kanilang share sa local government sa loob ng dalawang taon.

Ang tinutukoy ni Moreno ay XRC Mall Developers Incorporated at Marketlife Management and Leasing Corporation.

Ang mga nasabing market operators ayon kay Moreno ay nakipag kasundo sa administrasyon ni dating Manila mayor Joseph Estrada para sa privatization ng mga public market sa lungsod.

Dahil dito, obligado ang mga naturang market operators na mag remit ng bahagi ng kanilang kita sa city government kada taon.

Ang XRC na nasa mahigit 14 million pesos ang utang sa city government ay nag o operate sa Sta. Ana Market, San Andres Market, Sampaloc Market at Trabajo Market samantalang Quinta Market naman ang pinapangasiwaan ng Marketlife na may utang na mahigit 11 million pesos.

(with report from Aya Yupangco)

Related posts

Isang lalaking nagbirong mayroong 2019-nCoV ARD posibleng makasuhan

Powered by DWIZ

‘No Handshake’ isinusulong sa Kamara

Powered by DWIZ

LPA sa Southern Luzon inaasahang magiging ganap na bagyo —PAGASA

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More