2 Pinoy pinaghahanap sa Thailand matapos tangayin umano ng alon sa isang beach sa Phuket

2 Pinoy pinaghahanap sa Thailand matapos tangayin umano ng alon sa isang beach sa Phuket

by Powered by DWIZ
127 views

Pinaghahanap ng mga otoridad sa Thailand ang dalawang pilipinong tinangay umano ng malakas na alon sa freedom beach sa Phuket.

Hindi pa tinukoy ng DFA kung sinu sino ang mga biktima subalit ipinabatid ng local media sa Thailand na may edad 29 at 40 ang mga ito.

Ayon sa report ang mga biktima ay naglalaro sa dagat nang tangayin ng malakas na alon sa gitna ng pagbayo ng bagyo.

Sinabi ng DFA na ipina abot ni Ambassador to Thailand Mary Jo Bernardo-Aragon ang tuluy tuloy na rescue operations ng mga otoridad sa dalawang Pilipino na bahagi ng isang grupo ng mga Pinoy tourist sa Phuket.

Tiniyak naman ng DFA ang mahigpit na pakikipag ugnayan sa mga otoridad sa Thailand at handa silang magbigay ng tulong sa pamilya ng mga biktima.

0 comment

Related Posts