34.7 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

2 patay sa pamamaril ng riding-in-tandem sa EDSA-Reliance

- Advertisement -

Dalawa ang patay habang isang sugatan matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Mandaluyong City.

Dead on arrival sa VRP Medical Center ang mga biktimang sina Allan Nomer Santos, 51-anyos ng Barangay del Pilar, Las Piñas City at Jose Luis Yulo, 62-anyos, negosyante at residente ng Ayala Alabang, Muntinlupa City.

Nakaligtas naman ang kanilang kasamang si Esmeralda Ignacio, 38-anyos ng DBP Village, Las Piñas.

Ayon kay Mandaluyong City Police Chief, Senior Supt. Moises Villaceran, dakong alas-3:00 ng hapon nang pagbabarilin ang tatlo habang lulan ng Toyota Hi-Ace van na minamaneho ni Santos sa southbound lane ng EDSA-Reliance, kahapon.

Nilinaw naman villaceran na si yulo ay kapangalan lamang ng Pangulo ng Chamber of Commerce of the Philippine Islands na si Jose Luis Yulo Jr.

Inaalam na kung ano ang motibo sa krimen at sino ang posibleng nasa likod nito.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -