32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

2 patay sa banggaan ng isang truck at ilang sasakyan sa Taguig

- Advertisement -

Dalawa ang kumpirmadong patay habang anim naman ang sugatan nang araruhin ng isang 10-wheeler truck ang ilan pang sasakyan sa bahagi ng C-6 road sa siyudad ng Taguig.

Ayon sa Southern Police District, nawalan ng preno ang trak habang binabagtas ang kahabaan ng naturang kalsada sa harapan ng lakeshore.

Dahil dito ay nasalpok niya ang mga nakasalubong na anim pang mga sasakyan kabilang dito ang dalawang jeep, isang motorsiklo, isang kotse, at dalawang bisikleta.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad na labis ang kargang buhangin ng naturang trak at una nang na-ticketan sa North Luzon Expressway.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -