2 patay at 2 sugatan sa pamamaril sa Germany

2 patay at 2 sugatan sa pamamaril sa Germany

by Powered by DWIZ
0 comment 24 views

Patay ang 2 katao at 2 ang sugatan sa insidente ng pamamaril sa Halle City sa Germany.

Ayon sa mga otoridad, nagkaroon ng dalawang insidente sa naturang lungsod.

Ang una ay malapit sa Synagogue at ang ikalawa naman ay malapit sa isang kebab shop.

Nangyari ang insidente sa gitna ng Yom Kippur, isa sa pinakabanal na araw para sa Judaism.

Nahuli naman ng mga pulis ang isang suspek ngunit nakatakas ang dalawa pa.

 

0 comment

Related Posts