2 patay, 80 sugatan sa paghagupit ni Bagyong Hagibis sa Japan

2 patay, 80 sugatan sa paghagupit ni Bagyong Hagibis sa Japan

by Powered by DWIZ
0 comment 26 views

Dalawa na ang naitalang nasawi sa paghagupit ng powerful typhoon na si Hagibis sa bansang Japan.

Ayon sa ulat ng Agence France-Presse, dulot ito ng matinding na pananalasa ni Bagyong Hagibis na naging dahilan ng mga naranasang pagbaha, landslide at pagkawasak ng malaking bahagi ng Japan.

Aabot umano sa 7.3 million na katao ang inatasan ng Japanese Government na lumisan na sa kanilang mga lugar at magtungo sa mga itinalagang evacuation centers.

Mahigit sa 80 naman ang napaulat na nasaktan, apat ang nasa malubhang kalagayan habang marami naman ang idineklarang missing kasunod ng nangyaring pagbaha sa maraming lugar sa Japan.

0 comment

Related Posts