2 pangunahing imprastraktura sa Pampanga inaasahang mabubuksan ngayong araw – DPWH

2 pangunahing imprastraktura sa Pampanga inaasahang mabubuksan ngayong araw – DPWH

by Powered by DWIZ
0 comment 65 views

Inaasahang mabubuksan na ngayong araw na ito ang dalawang pangunahing imprastruktura sa Pampanga na naapektuhan ng lindol noong Lunes.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, posibleng madaanan na ang Consuelo bridge sa Floridablanca at Mega Dike Access road, samantalang bukas inaasahan namang bubuksan ang Sasmuan – Lubao bridge.

Una nang nagsagawa ng earthquake assessment ang mga tauhan ng DPWH sa Pampanga para matiyak ang kaligtasan ng mga dadaan sa mga tulay at pangunahing kalsada sa Pampanga.


Inspeksyon sa mga imprastraktura sa Pampanga, patuloy – DPWH

Tuluy-tuloy ang ginagawang inspeksyon ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga imprastruktura sa Pampanga na naapektuhan ng magnitude 6.1 na lindol noong Lunes.

Ipinabatid ito ni DPWH Secretary Mark Villar matapos mapuruhan ang ilang bayan sa Pampanga ng nasabing lindol.

Sinabi ni Villar na nasa 133 istruktura na sa Pampanga ang na-inspeksyon ng kanilang team kahapon.

0 comment

Related Posts