31.6 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

2 miyembro ng ‘basag kotse’ gang patay sa engkuwentro

- Advertisement -

Patay ang dalawang hinihinalang miyembro ng ‘basag kotse’ gang matapos maka-engkwentro ng pulisya sa Capitol Hills Old Balara Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police Director Chief Superintendent Jocelito Esquivel Jr., tinangkang pagnakawan ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin ang isang Grab car na nakaparada malapit sa isang convenience store.

Gamit ang isang martilyo binasag ng mga suspek ang likurang bintana ng kotse.

Gayunman nabigo ang mga itong makapagnakaw dahil nasa loob pala ng kotse ang may-ari nito na naghihintay lamang ng kanyang pasahero.

Sa pagtakas ng mga suspek, napadaan ang mga ito sa isang checkpoint kung saan nangyari ang engkwentro na ikinasawi naman ng mga ito.

Nakuha naman sa dalawang napatay na salarin ang dalawang kalibre .38 baril, limang sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -