27.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

2 holdaper patay sa engkwentro sa Q.C.

- Advertisement -

Patay ang dalawang hinihinalang holdaper habang nakatakas naman ang isa pa nilang kasamahan matapos maka-engkwentro ang mga pulis sa Quezon City.

Batay sa ulat, nangyari ang engkwentro sa barangay Bartolome, pasado alas onse y medya kagabi

Ayon sa babaeng biktima, sakay siya ng motorsiklo kasama ang kanyang anak papuntang supermarket nang bigla silang harangin ng tatlong nakamotorsiklo ring lalaki.

Tinutukan aniya sila ng baril ng tatlong lalaki at nagdeklara ng holdap kung saan nakuha ng mga ito ang isang cellphone, dalawang libong cash at ang kanilang motor.

Agad naman silang nakahingi ng tulong sa pulisya at natunton ang mga salarin sa tulong ng naka-activate na GPS ng cellphone ng biktima.

Dito na nagkaroon ng engkwentro matapos umanong unang magpaputok ang mga salarin nang makita ang mga pulis.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -