Mabagal na internet connection sagabal umano sa ipinasang Telecommuting Act
January 12, 2019
Pagpapasara ng Estrella-Pantaleon Bridge wala nang atrasan
January 12, 2019
Show all

2 hinihinalang terorista arestado sa Maynila

Dalawang hinihinalang terorista ang naaresto sa Maynila.

Kinumpirma ni National Capital Region Police Office Chief Director Guillermo Eleazar na naaresto noon pang Disyembre 20 ang mga suspek na sina Abu Nas sa Binondo at Jeran Aba alyas Abu Sinan, noon namang pasko.

Ayon kay Eleazar, si Nas ay miyembro ng Abu Sayyaf group at sangkot sa pagdukot sa 15 manggagawa ng Golden Harvest Plantation sa Lantawan, Basilan noong 2011.

Si Aba naman na noo’y may bitbit na baril at granada ay miyembro ng “Daulah Islamiyah” o Maute-ISIS at dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Batay aniya sa imbestigasyon ay nagbabalak ang mga suspek na maghasik ng kaguluhan noong Christmas season.

Comments are closed.