32.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

2 araw na transport strike sa pagpasok ng 2019 ibinabala

- Advertisement -

Dalawang araw na transport strike ang isasalubong ng transport group sa pagpasok ng 2019.

Ibinabala ito ni PISTON President George San Mateo sa harap ng anya’y hindi makatarungan at malabong polisiya ng pamahalaan sa sektor ng transportasyon.

Tiniyak ni San Mateo na ipaparalisa nila ang transportasyon sa buong bansa kapag hindi tumigil ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa anya’y pagturing sa kanila bilang milking cow at pambu-bully sa kanilang sektor.

Tinukoy ni San Mateo ang anya’y paggigiit ng DOTr na i-phase out ang mga lumang jeepney.

Una rito, iprinotesta ng transport groups ang biglaang pagtapyas ng LTFRB sa minimum na pasahe sa jeepney nang walang konsultasyon sa transport groups.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -