16 undocumented OFWs naharang ng BI

by Powered by DWIZ
0 comment
16 undocumented OFWs naharang ng BI

Naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 16 na undocumented Overseas Filipino Worker (OFW) na nagtangkang umalis sa bansa.

Ayon kay Grifton Medina, hepe ng BI Port Operations Division, paalis na sana ang dalawang batch ng mga undocumented OFW na patungong Taiwan at Hong Kong.

Ang mga ito aniya ay pawang nagpanggap na turista sa NAIA terminal 3 noong August 7.

Umamin naman umano ang mga ito na natanggap sila sa ilang trabaho sa ibang bansa sa pamamagitan ng illegal recruiter.

Related Posts